• ex libris (eks líb•ris)

    1. :
      “mula sa mga aklat ni” o “mula sa aklatan ni,” pariralang isinusulat sa aklat bago ang pangalan ng may-ari nitó
  • ex-

    1. :
      nangangahulugang dáti o naging, hal ex-convict, ex-mayor
  • ex post (eks póst)

    1. 1:
      itinakda ayon sa aktuwal na resulta sa halip na panghuhula lámang
    2. 2:
      pinaikling ex post facto
  • ex silentio (eks si•lén•syo)

    1. :
      sa kawalan ng salungat na ebidensiya
  • ex service (eks sér•viz)

    1. :
      ukol sa dáting sundalo
  • ex officio (eks o•fí•syo)

    1. :
      sa bisà ng posisyon o katungkulan
  • ex vó•to (eks-vó•to)

    1. :
      handog bílang pagtupad sa panata
  • ex párte (eks pár•te)

    1. 1:
      sa interes ng isang panig lámang
    2. 2:
      sa interes ng sinuman bukod sa magkabilâng panig
  • deus ex machina (dé•yus eks má•ki•ná)

    1. 1:
      kapangyarihan o pangyayari na hindi inaasahan at nagliligtas sa isang sitwasyong walang pag-asa
    2. 2:
      pangyayaring mahirap akalain; hindi sumusunod sa lohika ng sanhi at bunga
  • ex post facto (eks post fák•to)

    1. :
      may retrospektibong aksiyon o bisà